APRUB – Rheumatology Educational Trust Foundation, Inc.

Ang Rheumatology Educational Trust Foundation Inc. ay nakatuon sa mga tao o pasyente na may rheumatic disease. Nagsasagawa ito ng mga pananaliksik at pag-aaral ukol sa mga iba’t ibang sakit. May mga proyekto ito na tumutulong sa mga taong may sakit ng Lupus at ito ang tinututukan ng LUISA PROJECT o LUpus InSpired Advocacy. Kabilang rin ang People Empowerment for Arthritis & Lupus at ang Rheuma Cares. Ito ay nagbibigay ng medical care para sa long term rehabilitation ng mga pasyenteng nagtataglay nito. Ang RETFI ay isang donee institution.

This website uses cookies.