Apat na lalaki arestado sa kasong iligal na pangingisda

SURIGAO DEL SUR (Eagle News) – Arestado ang apat na lalaki sa kasong iligal na pangingisda matapos mahuli na gumamit ng “Buso” o Compressor, Fishing without Registration, Permit and License. Ang mga suspek ay nakilalang sina Alden Lariva, Frederic Bulabog, Richard Tarnuas, at Ben Moblanco kapwa residente ng Barangay Dahican, Carrascal, Surigao del Sur.

Nahuli ang mga ito sa pamamagitan ng isinagawang Seaborne Patrol ng mga kapulisan sa nabanggit na bayan at sa suporta na rin ng Local Government Unit sa panunguna ni Mayor VJ Pimentel hinggil sa kampanya na labanan ang alinmang iligal na transaksyon sa kanilang bayan.

Dennis Revelo – EBC Correspondent, Surigao del Sur

 

This website uses cookies.