Apat na DPWH road projects sa loob ng Mayon danger zone, ipinatigil ng DENR

(Eagle News) — Ipinatigil ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang apat na road project sa loob ng danger zone ng Bulkang Mayon.

Batay sa inilabas na order ng Environment Management Bureau, napaulat na malapit ito sa itinalagang 6-kilometer permanent danger zone sa Bacacay, Malilipot at Tabaco City.

Nakasaad sa report na nasakop ng mga proyekto ang protected area na malapit sa bulkan, at wala rin itong environmental clearance certificate at pahintulot na putulin ang mga puno upang matuloy ang proyekto.

Naging dahilan ito upang maglabas ng cease-and-desist order ang EMB upang ipahinto ang pagpapagawa ng mga kalsada.

Related Post

This website uses cookies.