Anak ng ex-mayor idineklarang dead-on-arrival sa isang pagamutan; asawa nito natagpuan ring patay

HERMOSA, Bataan (Eagle News) – Dead-on-arrival sa pagamutan ang anak ng dating mayor ng Hermosa, Bataan.

Kinilala ang biktima na si Dr. Christian Cruz, 39 taong gulang, anak ni dating Hermosa Mayor Efren J. Cruz.  Natagpuan ang nakababatang Cruz sa loob ng kanilang tahanan sa Brgy. Palihan noong Sabado, Marso 24.

Mismong ang ama ng biktima ang nagsugod sa ospital.

Natagpuan rin ang naagnas nang labi ng asawa nito na nakilalang si Larlyn Belleza, 31, sa bahay mismo ng mag-asawa sa Brgy.Mambog.

Ayon sa ilang nag-imbestiga sa kaso, may nakitang mga reseta at gamot tulad ng sleeping pills sa kuwarto ni Belleza.

Samantala patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy kung may foul play sa pagkamatay ng mag-asawa.

 

Related Post

This website uses cookies.