Alkalde, nagsuko ng 14 na high-powered firearms sa militar

Ni Edwin Panes
Eagle News Correspondent

HADJI MUTAMAD, Basilan (Eagle News) – Pinatutunayan ni Hadji Mutamad Municipal Mayor Jamar Mansul ng Basilan na handa niyang suportahan ang kampaniya ng gobyerno para sa mapayapa at tahimik na Barangay at Sangguniang Kabataan election na gaganapin sa Mayo 14.

Ito ay matapos niyang isuko sa militar ang labing apat na mga high-powered firearms sa isinagawang simpleng seremonya sa Barangay Pandacan.

Nagpasalamat ang militar sa Basilan sa ginawang pagpapasuko ng alkalde sa mga armas na nasa kaniyang bayan dahil nakakatulong ito para matuldukan ang posibleng karahasan sa mismong araw ng Barangay at SK election sa Basilan.

(Eagle News Service)

Related Post

This website uses cookies.