Agro-Industrial Trade Fair isinagawa ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa Bukidnon

VALENCIA CITY, Bukidnon (Eagle News) – Nagsagawa ang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo ng Agro-Industrial Trade Fair sa lalawigan ng Bukidnon. Isinagawa nila ito sa Rizal Plaza, Valencia City sa pangunguna ni Bro. Daniel V. Roxas, District Minister ng Bukidnon.

Nilahukan ito ng iba’t ibang bayan ng Bukidnon na may inilaang mga produkto. Makikita ang mga sariling gawa ng mga nakilahok, mga pananim, kakanin at maraming pang iba na talaga namang ipinagmamalaki ng kanilang probinsiya.

Para sa mga nakilahok, ang ganitong aktibidad ay malaki ang naitutulong upang madiskubre ang kanilang mga produkto.

Bukod sa mga produkto na makikita ay nagkaroon din ng programa na nagbigay ng kasiyahan at kaaliwan sa mga taong dumalo.

Sa kabuuan ay naging matagumpay ang nasabing aktibidad.

Notchie Malmis – EBC Correspondent, Valencia City, Bukidnon

Related Post

This website uses cookies.