Abu Sayyaf coddler patay sa engkuwentro sa Sulu

(Eagle News) – Patay ang isang hinihinalang Abu Sayyaf coddler matapos makasagupa ng mga tauhan ng Philippine Marines sa Sulu.

Ayon kay Philippine Marine Corps Public Information Officer Capt. Rowena Dalmacio, nagsasagawa ng clearing operation ang mga sundalo sa Brgy. Tubig-puti, Luuk, Sulu nang bigla silang paputukan ng ASG coddler na nagresulta ng halos limang minutong bakbakan.

Kinilala ang nasawi sa sagupaan na si Muks-din Dadil.

Nakuha kay Dadil ang iba’t ibang uri ng live ammunition, isang bolo, apat na assorted uniforms, dalawang cellphone na walang simcard at tatlong ID na may mga pangalang Rodelyn Kadil at Muksidin Kadil.

 

Related Post

This website uses cookies.