7 bahay sa Pagadian City, tinupok ng apoy

PAGADIAN CITY, Zamboanga del Sur (Eagle News) – Nasa pitong kabahayan ang nasunog sa Purok Sweetrose, Barangay Dumagoc, Pagadian City nitong Lunes, Marso 12.

Tinatayang aabot sa P270,000 ang halaga ng mga nasirang ari-arian sa nangyaring sunog.

Kabilang sa mga nasunog ang pitong bahay na pag-aari nina Bedala Cosgapa, Noel Aranas, Isabelo Belen, Rey Belen, Teresita Belen, Fernando Belen at Benjarmi Belen.

Ayon kay City Fire Marshall Edgar Quitoy, nagsimula ang apoy sa tahanan ni Cosgapa.

Mabilis umano ang pagkalat ng apoy dahil karamihan sa mga bahay ay gawa sa semi-concrete at light materials.

Upang agad na maapula ang apoy ay nagtulong-tulong na ang mga residente at Pagadian City Water District sa pag-apula nito.

Umabot sa halos kalahating oras ang sunog bago itong idineklarang fire out.

Patuloy pa ngayong inaalam ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sanhi ng nasabing sunog.

Related Post

This website uses cookies.