(Eagle News) — Nasa 600 karagdagang barangay officials pa ang maaaring sampahan ng kaso ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Dahil umano ito sa kabiguang tumulong sa war on drugs ng gobyerno kahit na mayroon silang na-organisang Barangay Anti-Drug Abuse Councils o BADAC.
Ayon kay Interior Undersecretary Martin Diño, ang mga nasabing opisyal ng barangay ay nakapag-organisa na ng BADAC ngunit hindi naman ito functional.
Ang listahan aniya ng mga opisyal ng barangay ay hiwalay sa narcolist ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Labinlimang barangay officials na ang nasampahan ng DILG ng kaso dahil naman sa kabiguang mag-organisa ng BADAC.