UNGKAYA PUKAN, Basilan (Eagle News) – Apat na katao ang patay matapos na mauwi sa karahasan ang away-pulitika ng dalawang pamilya sa Brgy. Camamburingan, Ungkaya Pukan, Basilan kamakailan.
Nasawi sa nasabing insidente si Usan Asani, dating barangay captain ng Brgy. Camamburingan at tatlo pang miyembro ng kaniyang pamilya.
Ayon sa mga testigo, pinagbabaril ng mga suspek ang bahay ni Asani na naghain ng kaniyang certificate of candidacy (CoC) para sa barangay elections.
Bagaman walang direktang pag-amin na siya ang nasa likod ng pag-atake, kusang nagtungo sa headquarters ng 18th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Ungkaya Pukan si Hernie Asao, ang incumbent barangay captain sa Camamburingan.