LEMERY, Batangas (Eagle News) – Arestado ang mahigit na 30 katao matapos silang maaktuhang binabalewala ang pambansang awit sa loob ng sinehan sa Lemery, Batangas nitong Miyerkules, Setyembre 5.
Ayon sa mga otoridad, hindi tumayo ang 34 na katao kahit tumugtog na ang pambansang awit bago magsimula ang isang pelikula bandang alas 2 ng hapon.
Paglabag anila ito sa section 38 at 39 ng Republic Act No. 8491 o ang Flag and Heraldic code of the Philippines. Ghadzs Rodelas