2nd Presidential debate, pahahabain ang duration

(Eagle News) — Daragdagan ng isang oras mula sa dating dalawa lamang ang gaganaping ikalawang presidential debate sa darating na Linggo sa performing arts hall ng University of the Philippines Cebu, Cebu City.

Ayon sa organizers, magsisimula ng alas-5:00 ng hapon ang naturang debate at babawasan anila ang commercials bilang tugon sa reklamo ng publiko sa unang presidential debate.

Bilang bahagi ng programa, maglalaan na ng dalawang minuto para sa sagot ng isang presidentiable mula sa dating 90 segundo habang 30 segundo naman ang ilalaan para sa rebuttal ng ka-debateng kandidato.

Samantala, bagaman 500 katao ang kayang i-accommodate ng dakong paggaganapan ng debate, 300 lamang ang papayagang makapasok dahil sa isyung pang seguridad at teknikal.

Ang 200 kataong audience ay iimbitahan ng Comelec samantalang ang 100 slot naman ay inireserba para sa faculty at mga estudyante ng UP Cebu.

Related Post

This website uses cookies.