25 patay, 56 sugatan sa mga insidente ng pagkalunod at aksidente sa nakalipas na long holiday- NDRRMC

(Eagle News) – Nasa kabuuang dalawampu’t limang (25) katao ang nasawi habang limampu’t anim (56) naman ang sugatan sa nangyaring vehicular accident at insidente ng pagkalunod sa nakalipas na long holiday.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), labing apat na insidente ng pagkalunod ang naitala sa Cagayan Valley, Calabarzon, Mimaropa at Cordillera Autonomous Region (CAR).

Habang nasa labing dalawang vehicular accidents naman sa Ilocos, Calabarzon at CAR.

Batay sa report, karamihan sa mga nasawi ay biktima ng pagkalunod. (Eagle News Service)

Related Post

This website uses cookies.