MANILA, Philippines (Eagle News) — Ipinahayag ni Budget Secretary, Benjamin Diokno na nakalaan ang 2017 budget para sa pagkuha ng mga karagdagang guro at sa pagpapatayo ng mga paaralan sa bansa.
Anim na raang libong (600,000) guro pa ang kailangan para sa mga pampublikong eskwelahan at halos apat na pu’t walong libong (48,000) paaralan ang nakatakdang ipatayo sa 2017.
Nakalaan rin ang bahagi ng pondo para sa iba pang mga pangangailangan sa edukasyon partikular na ang programang K to 12.
Ayon pa kay Sec. Diokno, namumuhunan ang gobyerno sa mga kabataan dahil sila ang kinabukasan ng bayan.