2 AWOL na pulis na sangkot sa bentahan ng iligal na droga, arestado

Photo courtesy of PNP Region 4A

(Eagle News) — Arestado sa isinagawang buy bust operation ang dalawang naka-absent without leave (AWOL) na pulis sa Rodriguez, Rizal matapos masangkot sa umano’y bentahan ng iligal na droga.

Kinilala ang dalawang suspek na sina PO2 Benjo Sionilo at si PO1 Ivan Henrick Tavas na kapuwa huling naitalaga sa Rizal Police Provincial Office.

Iprinisinta ang dalawa kay Philippine National Police Calabarzon Director PolChiefSupt. Guillermo Eleazar sa Camp Vicente Lim sa Calamba City.

Pasado alas dies kagabi, Mayo 24 ng maaresto ang dalawa sa Metro Montana, Barangay Burgos, Rodriguez Rizal ng pinagsanib-puwersa ng Rizal PPO at Rodriguez police station.

Nabawi sa kanila ang limang piraso ng sachet ng hinihinalang shabu at dalawang piraso ng 9mm caliber pistol na kanila umanong service firearms.

Sasampahan sila ng kasong paglabag sa RA 9165 Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at illegal possession of firearms.

Related Post

This website uses cookies.