196 bagong recruit para sa SCAA, isinailalim sa basic military training

 

ZAMBOANGA CITY (Eagle News) – Para lalo pa umanong mapaigting ng hukbo ng Naval Forces Western Mindanao ang pagbabantay sa karagatang sakop ng Zambasulta (Zamboanga-Basilan-Sulu-Tawitawi) ay nagsanay sila ng higit 100 na bagong recruit na mga indibidwal para sa bagong batch ng Special Cafgu Active Auxiliary.

Sumailalim ang 196 sa sampung araw na basic military training upang magkaroon ng kasanayan sa pagtatanggol ng buhay mula sa banta ng mga teroristang nag-ooperate sa mga karagatang sakop ng naturang mga island province.

Sa opening ceremony na dinaluhan ni Rear Admiral Rene Medina, hepe ng Naval Forces Western Mindanao, ay hinimok niya ang mga trainee na sila ang mga magiging mata at tainga ng navy sa nabanggit na mga area.

Ito ay upang kaagad na madepensahan ang mga barkong bumibiyahe sa karagatang ito at mabawasan ang insidente ng sea piracy, sea jacking at kidnap for ransom. Hazel Arias

 

Related Post

This website uses cookies.