15 Chinese national na naiulat na nawawala, nailigtas ng PCG

Mga Chinese national na naiulat na nawawala, nailigtas ng PCG /Eagle News Service/

BOHOL, Philippines (Eagle News) — Nakaligtas ang 15 Chinese nationals na unang naiulat na nawawala sakay ng dalawang motorbanca matapos ma-rescue ng Coastguard sa kasagsagan ng bagyong “Basyang” sa probinsya ng Bohol.

Ayon sa Coastguard Substation Talibon, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang  Ethel Natera ng Chinese Consulate, kung saan nagbigay ito ng impormasyon tungkol sa mga Chinese national na nakasakay sa mga motorbanca.

Ang mga sasakyan ay nagka-engine trouble umano malapit sa Cabul-An Island Buenavista, Bohol, dahil sa malalakas at malalaking alon na dulot ng bagyong “Basyang.”

Batay sa imbestigasyon, sakay ng dalawang undocumented na mga banca ang mga Chinese national galing Getafe patungo sana ng Cebu kahapon, Pebrero 15.

Nasa mabuti nang kalagayan ang mga narescue.

Samantala, binigyan na ng maritime violation receipt ang dalawang motorbanca dahil sa paglabag sa batas ng PCG at Maritime Industry Authority.

Related Post

This website uses cookies.