12 lugar sa Eastern Visayas, isinailalim na sa state of calamity

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Nasa ilalim na ng state of calamity ang labindalawang (12) lugar sa Eastern Visayas o Region 8 dahil sa bagyong Urduja.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan, ang mga lugar ng Ormoc City, Tacloban City, bayan ng Sta. Fe sa Leyte, bayan ng Biliran, bayan ng Tanauan sa Leyte, bayan ng Can-Avid sa Eastern Samar, bayan ng Zumarraca Sa Samar, bayan ng Llorente Sa Eastern Samar, bayan ng Barugo Sa Leyte, at ang mga probinsya ng Eastern Samar, Northern Samar at Samar ang isinailalim sa state of calamity.

Sa ilalim ng state of calamity mabilis na magagamit ng mga lokal na pamahalaan ang kanilang calamity fund at makapagpapatupad ng price freeze sa mga pangunahing bilihin.

Sa ngayon mayroon pang 700 pamilya ang nanunuluyan sa mga evacuation center sa Region 5 at Biliran.

Habang umaabot naman na sa 1.2 billion pesos ang halaga ng pinsalang iniwang ng bagyong Urduja.

(Eagle News Service Mar Gabriel)

Related Post

This website uses cookies.