11 miyembro ng BIFF, patay sa operasyon ng militar sa North Cotabato; 4 na sundalo, sugatan

CARMEN, North Cotabato (Eagle News) — Patay ang labing isang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa operasyon ng militar laban sa grupo sa Carmen, North Cotabato.

Ayon Capt. Arvin John Encinas, tagapagsalita ng Army 6th Infantry Division, walo sa 11 miyembro ng BIFF ay nasawi sa airstrike na ikinasa ng militar sa Barangay Tonganon mula noong Martes.

Nakubkob din ng army ang pinaniniwalaang training camp ng grupo.

Ayon kay Encinas, nasugatan naman ang apat na sundalo sa operasyon.

Ikinasa ng militar ang combat operations laban sa BIFF, partikular sa grupo ni Esmael Abdulmalik alyas Abu Toraife na may ugnayan umano sa ibang ISIS-inspired groups, gaya ng Maute Group, Abu Sayyaf Group at Ansar Al-Khilafa.

Ayon kay Maj. Gen. Arnel Dela Vega, hepe ng 6th Infantry Division, inaasahan na nila ang paghihiganti ng BIFF.

Related Post

This website uses cookies.