Marijuana plantation, natagpuan sa Bayan ng Balamban, Cebu

BALAMBAN, Cebu (Eagle News) – Isang marijuana plantation ang natagpuan sa Bayan ng Balamban, Cebu. Ang nasabing plantation ay may 10,000 puno na bagong tanim pa lamang.

Pinagbubunot ang mga nasabing puno ng marijuana ng mga tauhan ng Public Safety Company ng Philippine National Police na pinangunahan ni PCI Joeson Parallag noong Miyerkules ng umaga, August 17,.

Nasa gitna ng mga kakahuyan ang nasabing marijuana plantation kaya hindi ito kaagad mapapansin. Subalit nakatanggap ng impormasyon ang kapulisan at agad nila itong pinuntahan.

Noon pa man ay marami ng nahuhuling nagtatanim ng marijuana sa nasabing lugar subalit dahil sa matinding kampaya ng pamahalaan laban sa droga ay mas dumami na ang nagtatanim nito bilang alternative di umano sa shabu.

Sa kasalukuyan ay mahigpit ng binabantayan ang nasabing lugar at sinunog naman ang mga nasabat na marijuana.

Courtesy: Kit Montes

Related Post

This website uses cookies.