10 kandidata ng Miss Earth 2016, dumalaw sa Sultan Naga Dimaporo, Lanao Del Norte

SULTAN NAGA DIMAPORO, Lanao del Norte (Eagle News) — Dumalaw sa bayan ng Sultan Naga Dimaporo, Lanao Del Norte ang sampung kandidata ng Miss Earth  2016 dakong 2:00 ng hapon noong Linggo, Oktubre 16, 2016.

Ang mga kadidata na dumalaw sa Lanao Del Norte ay mula sa mga bansang:

  1. Slovenia
  2. New Zealand
  3. Maldova
  4. Nepal
  5. Lebanon
  6. Italy
  7. Cyprus
  8. Mauritius
  9. Sri Lanka
  10. Palestine.

Mainit naman silang tinanggap ng mga mamayan sa nasabing Probinsiya. Tumuloy din ang delegado sa Pikalawag Beach Resort na isa sa mga maipagmamalaking beach resort ng naturang Bayan. Layunin ng pagdalaw ay upang i-promote ang pag-iingat sa kalikasan at ang pagtataguyod ng kapayapaan.

Bert Prowel – EBC Correspondent, Sultan Naga Dimaporo, Lanao del Norte

Related Post

This website uses cookies.