Rey Mercaral 1971-2015

Noong Linggo , pumanaw ang mamamahayag at executive producer ng Agila Probinsya morning edition na si Reynaldo Mercaral o mas kilala sa pangalang Rey o ‘Kuya Muymuy’ dahil sa sakit sa puso.

Si Kuya Rey Mercaral ang isa sa nasa likod ng pagbuo ng programang Agila Probinsiya na nagpasimulang umere noong March 23, 2014.
Nagsimula rin siya bilang desk/reporter sa programa ng Net25 na Mata ng Agila at nitong huli ay executive producer ng Agila Probinsya morning edition.

Pero bago pa man sa Net25, matagal na ring nagtrabaho sa industriya ng media si Mercaral mula sa mga iba’t-ibang Broadcasting companies.

Bukod sa pagiging mapagmahal na asawa at tatay sa kaniyang pamilya. Si Kuya Rey ay palaging maalala ng kaniyang mga kaibigan at naging katrabaho bilang isang mabuti, masayahin at positibong tao.

Nakalagak ang mga labi ni Rey ‘Muymuy’ Mercaral sa Loyola chapel, Commonwealth Avenue, Quezon City. Mula po sa bumubuo ng Eagle Broadcasting Corporation ang amin pong taos-pusong pakikiramay sa mga naulila ni Kuya Rey.