Yolanda survivors umapila sa gobyerno na bilisan ang pagtatayo ng permanenteng bahay

Muling umapila ang mga Yolanda survivor sa gobyerno na bilisan ang pagpapatayo ng mga permanenteng pabahay para sa kanila.

Kasabay nito, pinasinungalingan ni Marissa Cabaljao, Secretary-General ng grupong People surge ang mga pahayag ni Social Welfare Secretary Dinky Soliman na hindi na magkakaroon ng bunkhouses sa Tacloban City, Leyte noong katapusan ng Oktubre ngayong taon.