Water interruption sa ilang barangay sa Quezon City, mararanasan simula mamayang gabi

(Eagle News) — Pansamantalang mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang barangay sa Quezon City simula ngayong araw, August 21, habang nagsasagawa ng “maintenance activities” ang Maynilad.

Sa inilabas na advisory, apektado ng water service interruption simula alas 11:30 ng gabi ang Barangay Kaligayahan, Barangay Greater Lagro, Barangay Bahay Toro at Barangay Paltok.

Dahil dito, pinapayuhan ng Maynilad na mag-imbak ng tubig ang mga residenteng apektado ng water service interruption.

Asahan namang babalik sa normal ang water supply sa mga nabanggit na barangay bandang alas tres y medya (3:30) hanggang alas kwatro ng umaga (4:00) bukas, Agosto 22.

Samantala, mawawalan naman ng suplay ng tubig ang Barangay Sauyo (Nia Village) bukas, Agosto 22, dahil pa rin sa maintenance activities ng Maynilad.