Washington DC Bureau, naglunsad ng ‘EBC Cares’ kasabay ng 50th anniversary ng Eagle Broadcasting Corporation

Bilang bahagi ng pagdiriwang sa ika-50 anibersaryo ng Eagle Broadcasting Corporation, inilunsad  ng Washington D.C Bureau ang ‘EBC Cares’ program upang makatulong sa iba’t-ibang komunidad sa Estados Unidos.

Inuna ng mga ito ang pakikipagtulungan sa Samaritan House na nagbibigay ng tulong sa mga biktima ng karahasan at pamilyang walang matitirhan.

https://youtu.be/rodpUKlMWOo