Urdaneta City, Pangasinan, nakiisa sa 3rd nationwide simultaneous quake drill

URDANETA CITY, Pangasinan (Eagle News) – Matagumpay na naisagawa ang ‘Pagyanig 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill’ na ginanap sa oval ng National High School, Urdaneta City, Pangasinan. Pinangunahan ito ng Regional Director, Office of Civil Defense Region 1 Chairperson, Regional Disaster Risk Reduction & Management Council 1 Melchito M. Castro.

Ang mga evaluators naman ay ang mga sumusunod;

  • Philippine National Police
  • Philippine National Red Cross
  • Commission on Higher Education
  • Navy
  • Army
  • Department of Interior and Local Government (DILG-Urdaneta) Employments
  • DSWD
  • Bureau of Fire Protection
  • Provincial Disaster Risk Redemption and Management Office-Pangasinan
  • kasama si Urdaneta City Mayor Amado ‘Bobom’ Perez lll

Ayon kay Regional Director Melchito Castro, layunin ng ganitong aktibidad na maihanda ang lahat sa tinatawag na “the big one” — o isang malakas na lindol na maaaring magdulot ng tsunami. Napili aniya nila ang Urdaneta na pinaka-pilot City sa buong Region 1 sapagkat nakita nila na may mga fault lines na nakakaapekto sa lungsod particular na sa Eastern Pangasinan.

Ayon naman kay Ronalyn Tambogon, isang college student, natutuwa siya na ang kanilang eskuwelahan ay nakiisa sa ganitong aktibidad sapagkat lumalawak ang kanilang kaalaman kung anong dapat gawin kung may dumating na sakuna tulad nito.

(Rusell Failano, Eagle News Service Pangasinan)

851439188_61956_1202986512999078805 851439283_62431_12043224260361813372 851439497_62011_974297787655642806 851439652_61899_427209481891602410 851439937_62093_6197398647088604679 851440593_61196_7068568502864916040 851440940_62501_16307347522274501652 851440995_62214_13699784968187745789 851516003_28996_15622708891401614231 851516037_28934_10087768669727585053 851516429_28726_9968005743266214908 851516657_29062_13528967629779955831 851517212_29254_15038765616301025289 851517983_29304_16934893708219290565 851518093_29336_17852349352986475485 851518738_29036_10662462530479551070 851519022_29046_10108387585363412045 851519049_28934_10721765407964519618 851519604_29305_735665611197571431