Ulirang Ama sa lalawigan ng Quirino, kinilala

Masipag, malalahanin at mapagmahal na ama, ganito kung ilarawan ang tinaguriang ulirang ama sa lalawigan ng Quirino sa katauhan ni Michael Plarisan.

Sa hirap ng buhay ngayon ay walang pinipiling trabaho si Michael, isang ama na mayroong anim na anak na nakatira sa Barangay San Leonardo, Aglipay, Quirino, para kumita bago ang pasukan upang maibili ng gamit sa eskwela ang mga anak na papasok sa paaralan.

Sa umaga ay naglalako siya ng taho, sa tanghali naman ay nagdi-deliver ng isda at karne at pagsapit ng hapon hanggang gabi ay pumapasok siya sa vulcanizing shop. May pagkakataon na tinatawag siya ng mga kapit-bahay kung mayroon silang ipapaayos na kasiraan.

Hindi niya iniinda ang pagod at sakit ng pangangatawan upang matustusan lamang ang kaniyang anim na anak kung saan apat sa mga ito ang nakatakdang pumasok ngayong school year 2015-2016. (Aglipay, Quirino)

(Agila Probinsya Correspondent Rustie Lorenzo, Eagle News Service MRFaith Bonalos, Jericho Morales)