U-turn slot sa Don Antonio, Commonwealth Ave, pansamantalang isasara sa mga motorista dahil sa pagtatayo ng MRT-7

File photo of the construction of MRT-7 at Sandiganbayan, Quezon City
Photo by Eagle News Service M.R.Faith Bonalos

(Eagle News) — Pansamantalang isasara para sa mga motorista ang U-turn slot sa Commonwealth Avenue malapit sa Don Antonio Heights sa Quezon City.

Ayon sa Metro Manila Development Authority o MMDA, tatagal ito ng dalawang buwan para bigyang daan ang pagtatayo ng Metro Rail Transit o MRT-7.

Pinapayuhan ang mga apektadong motorista na gamitin ang U-turn slot sa Commonwealth Avenue na malapit sa Eclaro.

Inaasahang mas magiging mabigat ang daloy ng trapiko sa huling quarter ng taon dahil sa mga kasalukuyang construction work sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila at habang papalapit ang holiday season.