Turismo sa eastern Samar, mas lalakas matapos maibalik sa lugar ang Balangiga bells – DOT

(Eagle News) — Inaasahan na ng Department of Tourism (DOT) na mas lalakas pa ang turismo sa eastern Samar matapos maibalik sa lugar ang makasaysayang Balangiga bells.

Isinaayos na ng DOT sa Region 8 ang Balangiga incident marker.

Isinailalim na rin ng ahensya sa pagsasanay ang mga trabahador sa rehiyon sa mangrove paddling guides, waiter servicing and food handling, community tour guides, mountain guides, effective customer service at entrepreneurial development.

Nagkaloob din ang DOT ng P629-thousand pondo sa lokal na pamahalaan upang bigyan ng livelihood gears ang kanilang mga residente.

Maaalala na nitong Sabado, naibalik na sa hometown nito sa Balangiga eastern Samar ang mga kampana matapos kuhanin ng mga sundalong Amerikano mula sa simbahan nuong kasagsagan ng Philippine-American war 117 taon na ang nakararaan.