Tulay sa Bagumbayan, Navotas nasira dahil sa barge na tinangay ng malakas na alon

(Eagle News) — Nasira ang tulay sa Bagumbayan, Navotas matapos na bumangga ang isang barge na inanod ng malakas na alon at malakas na hangin nitong Lunes, Agosto 13.

Ang barge na may pangalang M/V Gloria Iloilo ay tinangay ng malakas na hangin dulot ng nararanasang epekto ng habagat.

Sa ngayon ay hindi na muna pinayagang makadaan ang mga sasakyang may mabigat na karga dahil sa posibilidad na lalo pa nitong madagdagan ng sira ang naturang tulay.