Truck ng basura nagliyab habang binabaybay ang kahabaan ng Commonwealth Avenue


QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) – Nagliyab ang isang truck ng basura habang binabaybay ang kahabaan ng Commonwealth Avenue nitong Lunes, November 13.

Ayon sa mga nakasaksi, bigla na lamang  nagliyab ang unahang bahagi ng nasabing truck bandang alas kwatro ng ng hapon (4:00 PM).

Hinala nila, ang mismong sakay nitong pahinante na naninigarilyo ang sangkot dahil ang laman ng nasabing truck ay mga papel at plastic.

Nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko ang pangyayari na nagsimula sa Sandigan Bayan at Commonwealth Market.

Agad namang naapula ang pagliyab ng truck ng dumating ang fire truck ng Barangay Kristong Hari.

(Eagle News Correspondent May Joy Palabrica)