Traffic system ng Singapore, susubukang gayahin ng DOTr

(Eagle News) — Pinirmahan na nina Transportation Secretary Arthur Tugade at ng Singapore Cooperation Enterprise  ang memorandum of understanding kung saan tutulong ang bansang Singapore sa pagsasaayos ng daloy ng trapiko sa bansa.

Nakasaad sa MOU ang pagbabahagi ng Singapore sa kanilang practices sa traffic and transport management, kabilang ang kanilang Intelligent Transport System (ITS).

Bukod pa rito ay magtutulungan ang bansa at Singapore sa pagsasaayos ng mga polisiya para sa daloy ng trapiko, traffic congestion, mahigpit na traffic surveillance at enforcement at incident management systems.

Naniniwala sila na malaking tulong ito sa daloy ng trapiko partikular sa Metro Manila.