Tatlong bahay sa Baliuag, Bulacan, nasunog

Bahagi ng bahay na nasunog noong Linggo, Disyembre 24, 2017, sa Concepcion, Baliuag, Bulacan /Edward Durwin/Eagle News/

BALIUAG, Bulacan (Eagle News) – Nilamon ng apoy ang tatlong kabahayan sa Concepcion, Baliuag, Bulacan nitong Linggo, Disyembre 24.

Ayon sa impormasyon, nagsimula ang sunog sa bahay ng mag-asawang Corazon at Rudy Escribel.

Dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy ay nadamay ang dalawa pang bahay na pag-aari nina Sylvia Escribel at Danny Reyes.

Ayon sa mga residente ay nagsimula ang sunog bandang 11:30 ng umaga at idineklarang fire-out sa ganap 2:30 ng hapon.

Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ang Bureau of Fire protection (BFP) ng impormasyon ukol sa pinagmulan ng sunog.

Hindipa rin matiyak ang kabuuang halaga ng napinsala.

Walanaman naiulat na nasaktan sa nasabing insidente.

(Dino Viri at Beth Cuaderno, Eagle News Service)