Taas-presyo sa produktong petrolyo epektibo na ngayong araw

(Eagle News) — Epektibo na ngayong araw ang panibagong dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ng mga kumpanya ng langis.

Ayon sa Shell, Fying V, Petron, Caltex at Seaoil Philippines may dagdag silang 90 centavos sa presyo ng kada litro ng gasolina, 55 centavos sa presyo ng kada litro ng diesel at 85 centavos sa kada litro ng kerosene.

Parehong halaga din ang dagdag sa presyo ng gasolina at diesel ng mga kumpanyang Petro Gazz, PTT, Phoenix Petroleum, Eastern Petroleum, Unioil at Jetti.

Ipinatupad ang dagdag-presyo matapos ang bawas sa halaga ng presyo ng produktong petrolyo noong nakaraang linggo.