Sustainable natural farming, isinusulong ngayon sa lalawigan ng Pangasinan

(Eagle News) — Isinusulong ngayon ang sustainable natural farming sa mga bayan sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito ay dahil agrikultura ang itinuturing na bagong sunshine industry upang tulungan ang mga magsasaka sa mga bayan ng San Fabian, San Jacinto, Mangaldan, Manaoag, at Dagupan City.

Ayon kay Congressman Toff de Venecia, makatutulong aniya sa mga magsasaka ang nasabing sustainable farming upang umangat ang kanilang kabuhayan at magkaroon ng sapat na suplay ng gulay.

Dahil dito, isang demonstration farm sa Barangay Tocok sa San Fabian ang itinatag upang ituro sa mga magsasaka ng Quatro Distrito ang tinatawag na sustainable natural farming.

Sa naturang sistema, ang magsasaka ay hindi gagamit ng anumang synthetic pesticides na nakapipinsala kaya siguradong ligtas sa anumang lason ang aanihing produkto.

Eagle News Pangasinan Bureau Nora Dominguez

https://www.youtube.com/watch?v=srphY-ulRoI