Suspek sa panghahalay at pagpatay sa bank teller, nadakip na

PASIG CITY, Philippines (Eagle News) — Naaresto na ng Pasig City Police ang isa sa mga pangunahing suspek sa pagpatay at panghahalay sa bente tres anyos na bank teller na si Mabel Tagala Cama.

Kinilala ang suspek na si Randy Oavenada na isang truck driver at residente rin sa lugar kung saan nakatira at pinatay ang biktima.

Noong una ay itinuring pang witness si Oavenada ng mga pulis na kalaunan ay isinama na rin sa mga persons of interest.

Fingerprint ng suspek, nakita sa cellphone ng biktima

Pero matapos na lumabas ang resulta ng forensic examination sa crime scene at sa cellphone ng biktima dito na sya ikinonsiderang suspek.

Shabu foil, narecover sa crime scene

Bukod sa cellphone ng biktima, narecover din ng mga pulis sa crime scene ang limang piraso ng foil na positibo sa shabu.

Nagpositibo rin daw sa paggamit ng shabu ang suspek base na rin sa resulta ng drug test.

Iba pang fingerprints na posibleng kasabwat ng suspek, iniimbestigahan din

Maliban sa finger print ng suspek, may dalawa hangang tatlong finger print pa ang iniimbestigahan ng mga pulis na posibleng sa mga kasabwat ng suspek.

Ama ng biktima, nagpasalamat sa mga otoridad sa pagtutok sa kaso ng kaniyang anak

Lubos naman ang pasasalamat ng ama ng biktima sa pagtutok ng mga pulis sa kaso ng kanyang anak.

Nangako naman si NCRPO Chief Superintendent Oscar Albayalde sa pamilya ng biktma na tutukan nila ang kaso hangang sa maaresto ang lahat ng suspek.

May naghihintay naman tatlong daang libong pisong reward para sa sinumang makapagtuturo o makapagbibigay ng impormasyon sa iba pang kasamahan ng suspek na nasa likod ng karumaldumal na krimen.

(Eagle News Service Mar Gabriel)