Sulu Sea mapanganib para sa commercial vessels – IMB

(Eagle NewS) — Dahil sa tumataas na banta ng kidnapping incidents, pinayuhan ng Malaysian based piracy watchdog na International Maritime Bureau (IMB) ang mga commercial vessels na iwasang dumaan sa Celebes at Sulu Sea.

Sa report ng IMB, mapanganib para sa mga commercial vessels na dumadaan ang Sulu Sea.

Ang Celebes at Sulu Sea ay nasa pagitan ng Pilipinas, Malaysia at Indonesia.

Ayon sa IMB, noong nakaraang taon lamang, 15 insidente ng kidnappings ang naitala sa Sulu Sea kung saan 62 katao ang dinukot.