Stripping activities sa lahat ng VCM, pinayagan ng SC

(Eagle News) — Pinayagan na ng Korte Suprema ang pagsasagawa ng stripping activities sa lahat ng mga vote counting machine (VCM) na sakop ng election protest ni dating Senador Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.

Ang stripping activity ay ang pag-aalis ng mga back-up card, modem at external batteries mula sa VCM at consolidation and canvass units.

Bahagi ito ng paghahanda para sa aktuwal na pagsauli ng mga nirentahang makina sa Smartmatic.

Sa resolusyon ng Korte Suprema, inutos nito sa Commission on Elections (Comelec) na madaliin ang pagsasagawa ng stripping activities.