Formula 1 event, dinaluhan ng enthusiasts

Nag-organisa ng event ang  F1 Club of the Philippines para sa ikasisigla ng mga mahilig sa F1 racing.

Isinagawa ang event sa Manila sa pangunguna ni Roland de Guzman, na isang fan din ng nasabing Formula One.

Ang event–kung saan nagkaroon ng F1 live viewing, live show ng mga F1 race, F1 simulator race at pamamahagi ng maraming prizes at freebies—ay dinaluhan ng maraming F1 enthusiasts.

Inanyayahan naman ni De Guzman ang mga mahilig sa sport na sumali sa F1 Club of the Philippines, kung saan maaaring kumuha ng mga Pinoy na driver na may potential sa racing upang ilaban sa international competitions.

https://youtu.be/jmJuW4C1fWI