Special investigation task group kaugnay ng pagsabog sa Hilongos, Leyte binuo

(Eagle News) — Bumuo na ng Special Investigation Task Group ang PNP Region 8 para sa mabilis na imbestigasyon sa naganap na pagsabog sa Hilongos, Leyte.

Ang Nasabing Team Ay Binubuo Nina PNP Regional Director Chief Supt. Elmer Beltejar bilang Supervisor, Deputy Regional Director Senior Supt Allan Cuevillas Bilang Commander, Leyte Provincial Director Senior Supt. Franco Simborio bilang Assistant Commander, Chief Insp. Ma. Bella Rentuaya bilang Spokesperson at Criminal Investigation and Detection Group Officer-in-Charge Supt. Jojie Tabios bilang head ng investigation team.

Samantala, may karagdagan namang walong police officers na inilagay bilang evidence custodian ng mga nakalap na ebidensya sa pagsabog.

Humingi rin ng tulong ang PNP sa National Bureau of Investigation at Philippine Army para sa mabilis na pagresolba sa pangyayari.