Special elections sa mga barangay na walang SK candidates, hiniling ng DILG sa Comelec

(Eagle News) — Hiniling ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Commission on Elections na magsagawa ng special elections sa ilang mga barangay sa bansa.

Ayon kay DILG Assistant Secretary at Spokesperson Jonathan Malaya, nasa 39 na barangay ang kailangang magsagawa ng special elections dahil walang kumandidato sa Sangguniang Kabataan (SK).

Wala pang tugon ang Comelec sa nasabing panukala.

https://youtu.be/ZTzvvfe7Nlo