Speaker GMA walang nakikitang conflict sa suporta ng kamara kay Pangulong Duterte

(Eagle News) — Walang nakikitang conflict si Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa suporta ng kamara kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa krusada ni House Majority Leader Rolando Andaya sa usapin ng budget.

Ayon sa House Speaker, naipasa ng kamara ang lahat ng legislative agenda ni Pangulong Duterte na isang malinaw na pagpapakita ng suporta sa Pangulo.

Ipinagtanggol naman ni Arroyo si Andaya sa ginagawa nitong pagsilip sa pondo ng pamahalan dahil bahagi aniya ito ng kanilang oversight functions.

Sa Enero 3, 2019 sisimulan ng rules committee ng kamara na pinamumunuan ni Andaya ang imbestigasyon sa umano’y mga anomalya at kuwestyunableng alokasyon ng Department of Budget and Management (DBM).