Singapore mag-aangkat ng agricultural products sa Pilipinas

(Eagle News) — Interesado ang bansa na mag-export ng agricultural products sa Singapore sa unang quarter ng taon.

Sinabi ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol, gusto ng Singapore na mag-angkat ng karne ng baboy, manok, itlog, gulay at bigas na mula sa Pilipinas.

Ayon ito kay Singaporean Ambassador to the Philippines Kok Li Peng sa kanilang naging pagpupulong.

Gagawin ito ng Singapore matapos bawasan ng Malaysia ang kanilang importasyon ng produktong agrikultura sa mga bansa sa Southeast Asia.

Nabatid na interesado rin ang Singapore sa pagbili ng gulay mula sa Bukinon, maging sa brown at organic rice.