Siargao, nasa ika-limang puwesto bilang “best surfing spots in the world”

SIARGAO, Surigao del Norte (Eagle News) – Nasa ika-limang puwesto ang Siargao Island sa listahan ng “Best surfing spots in the world” ng Conde Nast Traveler.

Ayon sa nasabing international travel magazine, ito ay dahil sa makakapal na alon na nakaka-akit sa surfers mula pa noong 1980’s.

Nasa unang pwesto naman ng listahan ang Mavericks Beach sa California, Estados Unidos.

Tiniyak naman ng mga opisyal sa Surigao del Norte na ligtas puntahan ang Siargao sa kabila ng ipinaiiral na martial law sa Mindanao.

https://www.youtube.com/watch?v=v3FR53o1Gnw&feature=youtu.be