Shabu lab sa Malabon na umano’y konektado sa nadiskubreng shabu lab sa Batangas, sinalakay ng PDEA

(Eagle News) — Isang hinihinalang shabu laboratory ang nadiskubre ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Dela Cruz Street, Baranagay Tenejeros sa Malabon nitong Biyernes, Abril 13.

Arestado naman ang dalawang katao na kinilalang sina John Ming Shen at ang kaniyang driver na si Lauro Santiago.

Ayon sa otoridad, ang nasabing shabu lab ay hinihinalang konektado sa isa pang shabu laboratory na
sinalakay din ng PDEA sa Batangas nitong Huwebes, Abril 12, kung saan limang Pilipino at
apat na Chinese national ang inaresto.

Sa isinagawang operasyon, nakita sa lugar ang mga bote na may lamang likido, mixers, at ilan pang mga
kagamitan na umano’y panggawa ng methamphetamine o kilala sa tawag na shabu.

Ayon naman sa mga residente, halos dalawang linggo pa lamang sa kanilang lugar ang sinalakay
na paggawaan ng ilegal na droga.