Senior citizen age gagawing 56 anyos imbes na 60

Eagle News — Naghain sina AKO-Bicol Partylist Representatives Rodel Batocabe, Alfredo Garbin Jr., at Christopher Co ng panukalang batas na nagpapababa sa edad ng senior citizen sa 56 mula sa dating 60 .

Ang House Bill 529 na nag-uutos sa pagbaba ng edad ng senior citizen na nag-aamenyenda sa Republic Act 7432.

Ayon sa mga mambabatas, ito ay para mapakinabangan ng mga empleyado ng gobyerno at pang-pribado ang mga benepisyo at privileges sa mga panahon na maraming mga sakit ang lumutang.

Kapag naipasa aniya ang batas ay mapapakinabangan agad ang mga benepisyo at mapapataas ang employment opportunities sa bansa.