Sen. Richard Gordon, wala nang balak pakinggan muli sa Senate hearing si Matobato

(Eagle News) — Wala nang balak si Senator Richard Gordon na buhayin ang imbetigasyon ng Senate Committee on Justice para ipatawag muli at pakinggan ang mga testimonya ni  Edgar Matobato.

Sinabi ni Gordon na sarado na ang imbestigasyon ng pinamumunuan niyang komite hinggil sa mga nagaganap na pagpatay kung saan inilutang ni Senator Leila De Lima si Matobato bilang testigo.

Ayon kay Gordon, mismong si Matobato ang sumira sa kaniyang sarili nang mabigo itong patunayan sa Senado ang kaniyang mga alegasyon laban kay Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa Davao Death Squad (DDS).

Katunayan, binigyan aniya ng napakahabang pagkakataon si Matobato sa Senate Hearing para sabihin ang kaniyang mga nalalaman at patunayan ang mga ito.