Sen. De Lima, pinag-aaralan ang paghahain ng Writ of Amparo sa SC

MANILA, Philippines (Eagle News) — Habang nakapending ang kaniyang Writ of Habeas Corpus, pinag aaralan na raw niya ang paghahain ng Writ of Amparo sa Korte Suprema sa susunod na linggo kung saan ang respondents ay ang Pangulo, Justice Secretary Vitaliano Aguirre, Solicitor General Jose Calida.

Ito raw ang kaniyang nakikitang proteksyon para sa kaniyang right to life at security.

Sa pamamagitan rin aniya nito ay matitigil na ang panghaharas ng gobyerno laban sa kanya.

Inamin ng senador na patuloy siyang nakakatanggap ng pagbabanta at pangha-harass.

Ito raw ang dahilan kaya balak niya na ring humingi ng tulong sa liderato ng Senado para sa kaniyang seguridad.