Seminar sa “Anti-Bullying”

HULYO 30 (Agila Probinsya) — Isang seminar ang isinagawa sa Sta. Rosa City, Laguna na may kinalaman sa anti-bullying kung saan pinangunahan ito ng Laguna Philippine National Police (PNP).

Layunin ng seminar na ito na bigyan ng lubos na kaalaman ang mga magulang tungkol sa bullying, lalo na ngayon na usong-uso sa mga batang mag-aaral ang pambubully.

(Agila Probinsya Correspondent Ronalyn Mayores)