Selfies nina lolo’t lola, nagviral

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Kung millennial lang ang may hilig sa selfies, puwes nagkakamali kayo!

Dahil viral ngayon sa social media ang nakakakilig na litratong ito kung saan makikita ang pagkuha ng picture ng dalawang matanda sa isa’t-isa habang kumakain sa isang fast-food chain.

Si lolo ay todo pose pa sa camera habang si lola naman ay mala-candid shot kung tumawa.

Maraming netizen ang kinilig, naantig at nainggit sa eksena ng dalawang matanda.

Umani naman ng maraming likes at shares ang nasabing larawan.